^

Police Metro

Batas na bigyan ng P10K sa mga edad 80 pataas, pipirmahan na ni Marcos

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Batas na bigyan ng P10K sa mga edad 80 pataas, pipirmahan na ni Marcos
Sa House Bill No. 7535 na iniakda ni Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes, tatanggap ng P10,000 ang mga aabot sa edad 80, 85, 90 at 95.
STAR / Miguel De Guzman, file

MANILA, Philippines — Inaasahan na ngayon araw ay pipirmahan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang panukalang-batas na magbibigay ng cash gifts sa senior citizens.

Sa House Bill No. 7535 na iniakda ni Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes, tatanggap ng P10,000 ang mga aabot sa edad 80, 85, 90 at 95.

Layon ng panukala na maamyendahan ang RA 10868 o ang “Centenarians Act of 2016” para sa pagbibigay ng karagdagang benepisyo at pagkilala sa mga octogenarians o ang mga nasa edad 80 hanggang 89 at nonagenarians o ang mga nasa edad 90 hanggang 99 sa bansa.

Inihain ni Ordanes ang Committee Report 419 matapos ang mga pagdinig ng pinamumunuan niyang House Special Committee on Senior Citizens hinggil sa panukala.

Noon lamang din nakaraang Disyembre naaprubahan ang panukalang batas ng Bicameral Conference Committee ng Senado at Kamara.

Nakasaad sa panukala na ang National Commission of Senior Citizens, katuwang ang Departments of Social Welfare and Development, Department of Health, Department of the Interior and Local Government at Philippine Statistics Authority ang babalangkas ng implementing rules and regulations kapag napirmahan na ng Punong Ehekutibo ang panukala. Bukod sa cash gift, tatatanggap din ng letter of felicitation mula sa pangulo ng bansa ang mga benepisyaryo.

vuukle comment

AYUDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with