^

Police Metro

Cash incentive sa seniors, aaprubahan ni Pangulong Marcos

Gemma Garcia - Pang-masa
Cash incentive sa seniors, aaprubahan ni Pangulong Marcos
Ang ipinasang Senate Bill No. 2028 at House Bill No. 7535 o ang “Granting Benefits to the Filipino Octogena­rians at Monagenarians” ay lalagdaan bukas, Pebrero 26, dakong alas-9 ng umaga sa Palasyo ng Malacañang.
Philstar.com/Irish Lising

P10K sa edad 80, 85, 90, 95; P100K sa 100-anyos

MANILA, Philippines — Inaasahang lalagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang magbibigay ng cash incentive para naman sa mga senior citizens na aabot sa edad na 80 at 90.

Ang ipinasang Senate Bill No. 2028 at House Bill No. 7535 o ang “Granting Benefits to the Filipino Octogena­rians at Monagenarians” ay lalagdaan bukas, Pebrero 26, dakong alas-9 ng umaga sa Palasyo ng Malacañang.

Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng P10,000 cash gift ang mga senior citizens na aabot sa 80,85,90 at 95 taong gulang, habang ang aabot naman sa edad na 100 ay mabibigyan ng P100,000.

Layon din nito na mabigyan na ng cash benefits ang mga senior citizens habang maaga pa at mapakinabangan na nila ito.

Bukod sa nasabing batas, lalagdaan din ni Pangulong Marcos ang Senate Bill No. 2221 at House Bill No. 7325 o ang Magna Carta of Filipino Seafarers”, gayundin ang Senate Bill No. 2426 at House Bill No. 8525 o “Tatak Pinoy (Proudly Filipino) Act.

Nagpasalamat naman si Senador Ramon Revilla na may akda ng Senate Bill 2028 kay Pangulong Marcos dahil sa paglagda nito sa panukala para amyendahan ang Centenarians Law. -

vuukle comment

FERDINAND “BONGBONG” MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with