^

Police Metro

Senate subpoena kay Pastor Apollo Quiboloy naisilbi na

Malou Escudero - Pang-masa
Senate subpoena kay Pastor Apollo Quiboloy naisilbi na
Pastor Apollo Quiboloy
Sunshine Media

MANILA, Philippines — Natanggap na ng opisina ni Pastor Apollo Quiboloy sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang subpoena na inisyu sa kanya ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality.

Ang subpoena ad testificandum ay natanggap ni KOJC Counsel Atty. Marie Dinah Tolentino Fuentes kahapon ng ala-1:00 ng hapon.

Dahil natanggap na ng opisina ni Quiboloy sa KOJC ang subpoena ay inaasahang makararating na ito sa kanya at haharap ito sa susunod na pagdinig ng komite sa March 5.

Matatandaang nagbanta si Senator Risa Hontiveros, Chairperson ng komite na kung hindi dadalo si Quiboloy sa susunod na imbestigasyon ng Senado ay mapipilitan siyang ipa-contempt at ipaaresto ang pastor.

Hinamon din ng senadora si Quiboloy na magpakita muna ito sa pagdinig bago humiling ng kung anu-ano patungkol naman sa banta sa kanyang buhay.

vuukle comment

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with