^

Police Metro

Alegasyon ni Quiboloy diversionary tactics - Romualdez

Joy Cantos - Pang-masa
Alegasyon ni Quiboloy diversionary tactics - Romualdez
Apollo Quiboloy, head of "the Kingdom of Jesus Christ," a non-Catholic religious group and spiritual adviser of president-elect Rodrigo Duterte, speaks during a press conference in Davao City in southern island of Mindanao on May 23, 2016.
AFP / Manman Dejeto

MANILA, Philippines — Isang diversionary tactics at walang basehan ang alegasyon ni Pastor Apollo Quiboloy hinggil sa umano’y sabwatan ng gobyerno ng Pilipinas at ng Estados Unidos upang siya’y paslangin.

“While I understand the gravity of the accusations he faces on the international stage,specifically from the FBI, it is important to clarify that the Philippine government and its officials, including myself and President Ferdinand Marcos, Jr., operate within the bounds of our constitution and laws,” pahayag ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Sinabi naman ni Romualdez na committed ang pamahalaan na ipatupad ang itinatadhana ng batas at tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng sinumang indibidwal at dito’y walang pinipili.

Ginawa ni Romualdez ang pahayag matapos namang aminin ni Quiboloy sa isang video message sa Sonshine Media Network International (SMNI) na totoong nagtatago siya dahilan may banta umano sa kaniyang buhay.

Ang panel ng Kamara at Senado ay kapwa nagpalabas ng subpoena laban kay Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) kaugnay ng imbestigasyon sa mga kinakaharap nitong kaso.

Sa Kamara ay iniimbestigahan ng House Committee on Legislative Franchises ang paglabag sa prangkisa ng SMNI na nago-operate sa ilalim ng Swara Sug Corporation habang sa Senado ay ang pagkakasangkot naman ni Quiboloy sa sex trafficking, rape at iba pa.

vuukle comment

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with