^

Police Metro

Jail Warden, inireklamo nang pagpapahirap sa preso

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inireklamo ng isang Dr. Chaio Tiao Yumol ang umano’y ginagawang panggigipit at pagpapahirap sa kanya umano ni Metro Manila District Jail warden, Jail Senior Insp. Jose Maria Sabeniano.

Nabatid na lumiham na umano si  Yumol kina  Pangu­long Ferdinand Marcos, Jr.; Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos, Office of the Ombudsman at Commission on Human Rights  hinggil sa pang-haharass umano ni Sabeniano.

Giit ni Yumol, wala siyang ginagawang paglabag sa loob ng  kulungan at sa halip ay naggagamot siya  ng mga may sakit na preso at empleyado.

Hindi na rin umano siya dinadalhan ng pagkain dahil ipinagbabawal ni  Sabeniano na lapitan siya ng  sinuman.

Ayon sa sulat ni Yumol, tinangka pa ni  Sabeniano na ipalipat siya sa MMDJ Annex 4 nang sabihin nito na nanganganib ang  kanyang seguridad.

Subalit, ibinasura ni  Que­zon City RTC Ac­ting Presiding  Judge Ma. Cristina Rosario-Osoteo ang hiling ni Sabeniano sa pagsasabing  itinayo ang jail para sa mga preso na tulad ni  Yumol at hindi na kailangan pang ilipat ng  ibang  kulungan.

Ipinagmamalaki rin umano ni  Sabeniano na ang  kanyang mga ginawa ay may ‘basbas’ umano ni Bureau of Jail Mana­gement and Penology (BJMP) Director Chief Supt. Ruel Rivera na agad naman pinabulaanan.

Ayon kay Rivera, baga­ma’t nagkasala sa batas kailangan pa ring ipatupad ang human rights at ang kor­te lamang ang makapag­dedesisyon sa kanilang kaso.

Si Yumol ay nahaharap sa kasong pagpatay kay dating Lamitan Mayor Rose Furigay at dalawang iba pa sa Ateneo de Manila University noong Hulyo 2022.

vuukle comment

CHAIO TIAO YUMOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with