^

Police Metro

Pondo ng AKAP funds ‘di pa nagagalaw - DSWD

Malou Escudero - Pang-masa
Pondo ng AKAP funds �di pa nagagalaw - DSWD
Sinabi ni Gatcha­lian na “intact” pa ang pondo dahil bumubuo pa sila ng guidelines para  sa pamamahagi nito sa mga minimum wage earners na apektado ng inflation.
STAR / File

MANILA, Philippines — “Hindi na nagagalaw ang kontrobersiyal na Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) na nakapaloob sa budget ng departamento ngayong taon.”

Ito ang paglilinaw kahapon ni Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian sa pulong balitaan sa Malacañang.

Sinabi ni Gatcha­lian na “intact” pa ang pondo dahil bumubuo pa sila ng guidelines para  sa pamamahagi nito sa mga minimum wage earners na apektado ng inflation.

Sinabi rin ni Gatcha­lian na maganda ang programa at importante na maayos nila ang guidelines kaugnay sa paggamit ng pondo.

Ang pondo na nagkakahalaga ng P26.7 bilyon na balak ipamahagi sa mga tinatawag na “near-poor” ay naging kontrobersiya matapos iugnay sa isinusulong na people’s initiative.

Naiulat noong Nob­yembre 2023 ang pahayag ng liderato ng House of Representatives na ang AKAP ay gagamitin para sa isang one-time, P5,000 cash assistance sa mga pamilyang Filipino na apektado ng global inflation at pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

vuukle comment

AYUDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with