^

Police Metro

Mga magsasakang apektado ng El Niño, tutulungan ng Malacañang

Malou Escudero - Pang-masa
Mga magsasakang apektado ng El Niño, tutulungan ng Malacañang
President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. operates a combined rice harvester during a ceremonial harvesting of palay and assistance distribution event in Barangay Mandili, Candaba, Pampanga on February 3, 2024.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Nagbigay ng katiyakan ang Malacañang na tutulungan ang libu-libong magsasaka sa Kanlurang Visayas, Zamboanga Peninsula, at iba pang rehiyong apektado ng El Niño.

Sinabi ni Presidential Communications Office Assistant Secretary Joey Villarama na halos 4,000 magsasaka ang apektado ng tagtuyot sa mga rehiyong ito.

Ayon sa Task Force El Niño, ang gobyerno ay nagbibigay sa mga magsasaka na heat-tolerant na binhi, mga alagang hayop at tulong pinansyal.

Sinabi ni Villarama na bukod sa mga direktang interbensyon para sa kanila, nire-rehabilitate din ang mga irrigation canals at ang kanilang mga kagamitan para lalo pang matulungan ang mga lubhang naapektuhang mga magsasaka.

Una nang nagbabala ang PAGASA na mas ti­tindi pa ang init ng panahon sa susunod na buwan dahil pumasok na ang kasagsagan ng El Niño na kung saan ay maaaring pumalo sa 36.5 degrees celsius ang pinakamataas na temperatura ngayong darating na Marso.

vuukle comment

EL NIñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with