^

Police Metro

Parak nakaidlip sa pagmomotor, utas sa road mishap

Joy Cantos - Pang-masa
Parak nakaidlip sa pagmomotor, utas sa road mishap
Ang nasawing biktima ay kinilalang si P/Patrolman Israel Mahilum, 35, ng Binalbagan, Negros Occidental, isang aktibong intelligence ope­rative na nakatalaga sa Pontevedra Municipal Police Station (MPS) sa lalawigang ito.
Graphic by Philstar / John Villamayor

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival ang isang pulis matapos na aksidenteng sumalpok ang motorsiklong sinasakyan sa isang kongkretong barandilya sa tabi ng highway sa Cros­sing Roman, Brgy. Tabao Rizal, San Enrique, Negros Occidental, kamakalawa.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si P/Patrolman Israel Mahilum, 35, ng Binalbagan, Negros Occidental, isang aktibong intelligence ope­rative na nakatalaga sa Pontevedra Municipal Police Station (MPS) sa lalawigang ito.

Sa ulat, bago nangyari ang aksidente ay ga­ling ang biktima sa Iloilo City na nagproseso ng aplikasyon sa promo­s­yon­ at minamaneho nito ang motorsiklo pauwi sa kanilang tahanan nang magpagewang-gewang sa bahagi ng Crossing Roman hanggang bumangga ito sa barandilya at humagis sa kalsada ang biktima.

Pinaniniwalaan namang dahilan sa sobrang pagod ay naidlip ang biktima na nagbunsod sa pagkakaaksidente nito.

vuukle comment

NEGROS OCCIDENTAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with