^

Police Metro

Security ops sa NCR pinaigting ngayong Pasko

Ludy Bermudo - Pang-masa
Security ops sa NCR pinaigting ngayong Pasko
Pinangunahan ni NCRPO chief P/Major General Jose Melencio Nartatez ang pag-iinspeksyon at pagbisita bilang pagmo-monitor sa peace and order situa­tion ng mga pampublikong lugar sa Metro Manila.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Mas pinaigting ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kanilang security operations sa buong NCR o Metro Manila ngayong Pasko.

Pinangunahan ni NCRPO chief P/Major General Jose Melencio Nartatez ang pag-iinspeksyon at pagbisita bilang pagmo-monitor sa peace and order situa­tion ng mga pampublikong lugar sa Metro Manila.

Biyernes ng gabi, Disyembre 22 nang muling mag-ikot si Nartatez na sinimulan noong Disyembre 20, sa mga istasyon ng MRT at LRT, mga terminal ng bus at jeepney, simbahan, pampublikong pamilihan, establisyimento, istasyon ng pulisya, mall at iba pang lugar ng convergence sa Metro Manila kung saan ang mga pasahero, mga turista, at mga mamimili ay inaasahang dadagsa.

Sa unang araw ng inspeksyon, nagtungo si Nartatez sa Pateros Police Station, Pasig City Police Station, Marikina City Police Station, Cubao Police Station 7, at Ali Mall.

Kabilang din sa ininspeksyon ang Baclaran Church, Baclaran Flea Market , LRT Line 1 Baclaran hanggang Carriedo Station, Quiapo Church, Quiapo Flea Market, LRT Line 2 Recto hanggang Araneta Center Cubao Station, Malls sa Araneta Center, Bus Terminals sa kahabaan ng EDSA.

Sumakay rin si Nartatez sa LRT upang masuri ang  kalagayan ng mga commuter at upang ilatag ang mga solusyon sa mga posibleng panganib sa panahon ng pag-commute.

Sa pagdiriwang ng Pasko, daan-daang pulis ang idineploy sa iba’t ibang pampublikong lugar na nagsasagawa ng patrolling, pinaigting na police visibility, checkpoints at pagtulong sa public assistant desks (PADS) na handang tumugon sa anumang emergency sa rehiyon.

vuukle comment

LRT

MRT

NCPRO

NCR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with