^

Police Metro

Tigil-pasada ikinasa ng grupong manibela

Angie dela Cruz - Pang-masa
Tigil-pasada ikinasa ng grupong manibela
Nagsagawa kahapon ng protesta sa harap ng University of the Philip­pines-Diliman ang transport group na Manibela na nagpahayag na ika­ka­sa nila ang tigil-pasada sa buong bansa na magsisimula sa Lunes (Oct.16). Ito ay upang magsagawa ng imbestigasyon ang pamahalaan sa umano’y tala­mak na korapsyon sa opisina ng LTFRB.
Michael Varcas

Simula sa Lunes

MANILA, Philippines — Isang malawakang ti­gil-pasada ang ikinasa ng may mahigit 200,000 miyembro at opisyal ng transport na Manibela sa Lunes (Oct. 16).

Sinabi ni Manibela Pre­sident Mar Valbuena na sa araw ng tigil-pasada ay lulusubin ng kanilang hanay ang tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Department of Transporta­tion (DOTr) at maging Malacañang upang isam­bulat ang korapsyon sa LTFRB.

Kinuwestyon din ni Val­­buena kung bakit sila ina­tasan ng LTFRB na hang­gang December 31 ngayong taon na lamang mag-ooperate ang kani­lang hanay at hindi na bi­­big­yan ng permit ng LT­FRB gayung may mga prang­kisa naman sila at permit to operate.

Hinala ni Valbuena na dahil isa sila sa hanay ng transportasyon na pumu­puna sa kamalian ng LTFRB kaya’t sila ay ginigipit ngayon ng ahensiya.

Ibinulgar din ni Jeff Gallos Tumbado, ang nagbitiw na dating exe­cutive officer ng LTFRB communications depart­ment ang mga ano­mal­ya sa ahensiya na ki­­­na­­sa­sangkutan anya ng matataas na opisyal ng LTFRB.

Anya, umalis siya sa ahensiya dahil hindi niya masikmura ang iba’t ibang uri ng umano’y pa­ngo­­ngotong ng milyong pisong halaga ng mga opisyal ng LTFRB sa iba’t ibang transport groups mula sa maliit na grupo hanggang sa malalaking grupo ng transportasyon.

Nakatakdang magsampa ng kaso ang  Manibela at si Tumbado sa Ombudsman kaugnay ng anomalya sa LTFRB.

vuukle comment

TRANSPORT STRIKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with