^

Police Metro

Subpoena sa murder charges vs Teves, inilabas ng DOJ

Danilo Garcia - Pang-masa
Subpoena sa murder charges vs Teves, inilabas ng DOJ
File photo of suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie Teves Jr..
The STAR / Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Naglabas na ang Department of Justice (DOJ) panel of prosecutors ng isang subpoena para sagutin ang mga reklamong ‘multiple murder, multiple frustrated murder, at multiple attempted murder’ na isinampa laban kay suspended Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. sa kaniya noong Marso 4, kaugnay ng pagpaslang kay Gov. Roel Degamo at siyam na iba pa.

Ito ang sinabi ni Senior Deputy State Prose­cutor Richard Anthony D. Fadullon na kung saan ay nananatiling nasa ibang bansa pa rin si Teves at nasa ikalawang 60-araw na suspensyon na niya bilang kinatawan ng Negros Oriental.

Patuloy nitong ikinakatwiran ang banta sa kaniyang kaligtasan kaya hindi siya bumabalik ng Pilipinas.

Isinampa ang natu­rang mga reklamo laban sa kaniya makaraang ituro siya na isa sa mastermind sa asasinasyon kay Degamo kung saan siyam na iba pa ang nasawi at nasa 18 ang sugatan.

Sinampahan si Teves ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Mayo 17, 2023 ng mga kasong 10 bilang ng murder, 14 bilang ng frustrated murder, at apat na bilang ng attempted sa ilalim ng Revised Penal Code (RPC).

Bukod kay Teves, ka­sama ring sinampahan ng kaso sina Angelo V. Pa­lagtiw, Neil Andrew Go, Capt. Lloyd Cruz Garcia, Nigel Electona, at isang indibidwal na may alyas na “Gee-Ann” at “Jie-An,” na kapatid umano ni Palagtiw.

vuukle comment

ARNOLFO TEVES JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with