^

Police Metro

COVID-19 positivity rate ng Pinas, bumulusok sa 18.6%

Mer Layson - Pang-masa
COVID-19 positivity rate ng Pinas, bumulusok sa 18.6%
Shoppers flock to Divisoria to purchase discounted items on June 4, 2023.
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Bumulusok pa sa 18.6% na lamang ang COVID-19 positivity rate ng Pilipinas.

Ito ang iniulat ka­makalawa ni OCTA Research Research Fellow Dr. Guido David sa kanyang Twitter account na  ang pagbaba mula sa da­ting 19.4% na COVID-19 positivity rate na naitala noong Hunyo 2.

Ang positivity rate ay ang porsiyento ng mga pasyenteng nagpopositibo sa COVID-19 mula sa kabuuang bilang ng mga indibidwal na isinailalim sa pagsusuri.

Ayon pa kay David, nakapagtala rin ang bansa ng 1,337 bagong COVID-19 cases sa buong bansa, kabilang ang 389 na naitala sa National Capital Region (NCR).

Dahil sa mga bagong kaso, ang total COVID-19 cases sa Pilipinas ay nasa 4,147,129 at sa naturang bilang, 14,398 pa ang nananatiling aktibong kaso.

Wala naman aniyang naitalang pasyente na namatay sa sakit, kaya’t hanggang Hunyo 3, ay nananatili pa rin sa 66,476 ang total COVID-19 deaths sa bansa.

Mayroon din namang 1,827 pasyente na iniulat na gumaling na dahil sa COVID-19.

Sa ngayon ang total COVID-19 recoveries sa bansa ay nasa 4,066,255 na.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with