Lovers timbog sa P1.1 milyong shabu
MANILA, Philippines — Isang maglive-in partner na kabilang sa high value individual ang naaresto ng mga otoridad sa isinagawang anti-drug operation sa Barangay Pili Sariaya, Quezon, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol.Ledon Monte ang mga naaresto na sina Rommel Rejano, 31, at Rose Ann Oabel, 24, kapwa residente ng Purok Sta.Theresa, Barangay Dalahican, Lucena City.
Isinagawa ng mga operatiba ng Sariaya PNP Drug Enforcement Unit ang buy-bust operation sa mga suspek, alas-5:30 ng hapon at nasamsam sa maglive-in ang isang sling bag na naglalaman ng 13 plastic sachet ng suspected shabu na tumitimbang ng 56 gramo na nagkakahalaga ng P1,142,400.00, P2,000 marked money at isang cellphone.
Ang mag-lover ay kinasuhan sa paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002). — Ed Amoroso
- Latest