^

Police Metro

DSWD food stamp beneficiaries, kailangang may trabaho

Danilo Garcia - Pang-masa
DSWD food stamp beneficiaries, kailangang may trabaho
DENR Region 2
Philstar.com / File

MANILA, Philippines — Inihayag ng opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na kailangang may trabaho ang magiging benepisaryo ng P40-bilyong “food stamp project” ng ahensya upang mawala ang kultura ng pagiging palaasa sa gobyerno.

Sinabi ni DSWD Undersecretary Eduardo Punay na hihingian ang isang milyong benepisaryo ng mga sertipiko mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Technical Education and Skills Development Autho­rity (TESDA) bilang patunay na gumagawa sila ng paraan para magkaroon ng trabaho.

“Isa-subsidize namin ang kanilang pagkain sa isang araw para magagamit nila ang matitipid na pera para sa transportasyon o sa mga training habang naghahanap sila ng trabaho,” saad ni Punay. Sa ganitong pamamaraan, mababawasan umano ang kultura ng pagiging palaasa ng mga benepisyaryo sa tulong mula sa gobyerno.

Kabilang sa mga programa ng DOLE ay ang palagiang ‘job fairs’ at ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers Program (TUPAD).

Ilan naman sa programa ng TESDA na maaaring lahukan ng mga benepisyaryo ang ‘vocational at skills training’ para sa mga hindi makapag-aral ng kolehiyo at requirements sa trabaho.

Nasa 1 milyong benepisyaryo ang natukoy na makikinabang sa programa. Kabilang dito ang mga kumikita ng mas mababa pa sa P8,000 kada buwan at hindi kayang kumain ng higit sa isang meal kada araw.

Tatanggap ang mga benepisyaryo ng P3,000 kada buwan o nasa P36,000 sa isang taon. Maaaring gamitin ito sa pagbili ng pagkain sa mga ka-partner na grocery stores, supermarkets, iba pang tindahan at Kadiwa-centers ng pamahalaan.

Ipamamahagi ang tulong sa pamamagitan ng ‘tap cards’ sa mga benipisyaryo na tinukoy at na-profile ng DSWD sa tulong ng Philippine Statistics Authority (PSA). Hindi naman maaaring ma-withdraw ang naturang halaga.

vuukle comment

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with