^

Police Metro

Kaso kay Teves sa Degamo slay malakas pa rin — DILG

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa kabila ng pagbawi ng ilang testigo sa kanilang mga salaysay ay malakas pa rin ang kaso ng pamahalaan laban kay suspended Rep. Arnie Teves at mga suspek sa  pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Ito ang sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. na tiniyak sa kanya ni  Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla.

Pinanigan din ni Abalos ang mga pulis at nanindigang isinagawa ng mga ito ang kanilang imbestigasyon sa kaso alinsunod sa itinatakda ng batas.

“As far as the PNP is concerned, tinatanong ko sila, talagang ginawa nila ito, in accordance with law. Of course, gagawin nila yan, nangyayari yan that’s why kahapon I had a meeting with SOJ Secrtary Boying (Remulla), I told him na ito ay nai-file na sa inyo, kumusta ba ang kaso? And they assured me, ‘huwag ka mag-alala malakas ang kaso,’ sabi niya sa akin, despite these recantations and of course meron pa tayong ibang demanda laban kay Cong. Teves,” ani Abalos sa mga mamamahayag nang pangunahan ang paglulunsad ng “DILG BIDA Sports and Cultural Fest Grand Opening Cere­mony’’ sa Camp Crame kahapon.

Inimpormahan din umano siya na may iba pang mga kasong kakaharapin si Teves.

“I think this is in relation to the previous killings wherein he (Teves) was implicated.”

Una nang sinabi ni Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon na ang pagbawi ng testimonya ng mga akusado sa kaso ng pagpatay kay Degamo at siyam na iba pang indibidwal ay inaasahan na nila.

Nilinaw naman ni Fadullon na hindi ito nangangahulugan na ang mga nauna nilang pahayag ay hindi totoo.

vuukle comment

DILG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with