^

Police Metro

2 suspect na pumatay sa traffic enforcer, sumuko

Cristina Timbang - Pang-masa
2 suspect na pumatay sa traffic enforcer, sumuko
Bitbit ng mga pulis ang dalawang suspek na bumaril at nakapatay sa isang traffic enforcer sa Tanza, Cavite noong Linggo matapos na kusang loob na sumuko kahapon.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Sumuko kahapon sa otoridad ang dala­wang suspek sa pag­patay sa isang traffic enforcer sa Tanza, Cavite noong Linggo ng hapon sa tapat ng isang mall.

Sa ulat ng Cavite Police Provincial Office, alas-10:00 ng umaga ang dalawang suspek na sina Joseph Llagas at Aries Carlos ay sinamahan ng kanilang brgy. chairwoman at bise-alkalde kay Cavite Gov. Jonvic Remulla para sumuko.

Magugunita na bago naganap ang krimen, noong Linggo ng hapon ay sinita ng biktimang si William Mentes Quiambao at kasamang mga traffic enforcers ang mga suspek­ na nagmamaneho ng walang suot na helmet at pagewang-gewang umano ang takbo sa kalsada.

Ikinagalit ng mga suspek na noon ay nasa impluwensiya ng alak ang paghuli sa kanila na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Sa gitna ng pagtatalo ay kinuha ni Llagas ang baril sa bewang ni Carlos at tatlong beses na pinutukan sa ulo ang biktimang si Quiambao.

Nang duguang bumulagta ang biktima ay isinugod ito sa ospital, subalit idineklarang dead on arrival habang ang mga suspek ay mabilis na tumakas sakay ng kanilang motorsiklo.

Ang pamamaril ni Llagas ay nakunan ng video na kumalat sa social media. - Ed Amoroso

vuukle comment

CRIME

SUSPECT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with