^

Police Metro

Senado iimbestigahan ang pag-atras ng 5 suspect-witness sa Degamo slay

Gemma Garcia - Pang-masa
Senado iimbestigahan ang pag-atras ng 5 suspect-witness sa Degamo slay
National Bureau of Investigation (NBI) chief Medardo De Lemos and several NBI agents filed criminal complaints against suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. at the Department of Justice (DOJ) on May 17, 2023.
STAR / Edd Gumban

MANILA, Philippines — Inihayag ni Sen. Ro­nald “Bato” Dela Rosa na posibleng muling buksan ng Senado ang pagdinig kaugnay sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo Jr., dahil sa pagbawi sa testimonya ng limang suspek sa pagpatay sa gobernador. 

Giit ni Dela Rosa na wala siyang magagawa kundi muling buksan ang im­bestigasyon kahit naka-break na ang sesyon ng Kongreso sa susunod na linggo dahil trabaho nila ito.

Ang pahayag ng sena­dor ay ginawa matapos na mag-manifest sa plenaryo­ ng Senado si Senador Alan Peter Cayetano na muling­ buksan ang pagdinig ng komite ni Dela Rosa matapos bawiin ni Jhudiel Osmundo Rivero at ng iba pa ang kanilang  testimonya na ibinigay  sa imbestigasyon ng Senado.

Sa manifestation ni Cayetano sa plenaryo, nais nito na bigyan ng mas ma­bigat na parusa sa kasong perjury o pagsisinunga­ling na hindi pinapansin sa ating bansa o hindi kinakasuhan.

Inihalimbawa rin niya na sa ibang estado sa Uni­ted States ay maitutulad ang kasong perjury sa malalaking krimen kaya iminungkahi ni Cayetano dapat magkaroon ng katiyakan na mapaparusahan ang nagsisinungaling sa ilalim ng panunumpa.

Sinang-ayunan naman nina Senate President Juan Miguel Zubiri at Blue Ribbon­ committee chairman Francis Tolentino ang mungkahi ni Cayetano.  

vuukle comment

ROEL DEGAMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with