^

Police Metro

Suspek sa batang natagpuang patay sa washing machine, adik sa panonood ng US serial killing series

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Las Piñas City police chief Col. Jaime Santos, na ang sanhi ng kamatayan ng 4-anyos na lalaking natagpuang patay sa loob ng washing machine ay “blunt traumatic injuries” sa kanyang ulo.

Sinisilip nila na posibleng naapektuhan ang 15-anyos na suspek at tiyo ng 4-anyos na batang na­tag­puang patay sa loob ng washing machine na isa­gawa ang krimen dahil sa panonood nito ng serye ni Jeffery Dahmer, isang American serial killer at sex offender.

Sinabi ni Santos na inamin ng ama ng suspek na tagapanood ni Dahmer ang kanyang anak at hinihintay pa nila ang full autopsy report para matukoy kung tinorture ang batang biktima bago siya isinilid sa loob ng washing machine.

Naghain na rin umano ng kasong murder laban sa suspek sa Las Piñas Pro­secutor’s Office.

Idinagdag ng city police chief na dinala na ang suspek sa City Social Welfare and Development (CSWD) para sa intake interview ni Hermigildo Sanchez para sa determi­nation of discernment.

Magugunita na nadiskubre ang katawan ng biktima matapos sabihin ng pinsan ng biktima, si Hermie Modero, na nabasa niya ang kakaibang post ng suspek sa kanyang social media account habang nawawala ang bata. Aniya pa, isa pang concerned citizen na umano’y malapit na kaibigan ng suspek ang nakipag-ugnayan sa kanila dahil hindi na maitago ang krimen.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with