^

Police Metro

Sa claim na solved na ang Degamo case Cong. Teves camp umalma: April fools joke!

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos ihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na 99.9 porsyento nang “solved” ang Degamo slay case matapos nilang mahuli ang isa sa mastermind, umalma ang kampo ng mga Teves at tinawag itong “April fools joke”.

Sa Pandesal Forum sa Quezon City, sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni  Congress Oriental Rep. Arnie Teves na palaisipan sa kanila kung ano ang batayan ni Remulla sa pagsasabing solved na ang kasong pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Sa kabila nito, tiniyak ni Topacio na hindi ang kanyang kliyente na si Cong. Teves ang nahuli ng National Bureau of Investigation (NBI) na hindi pa pinapangalan.

Sa katunayan aniya ay kausap niya pa ang kanyang kilyente kamakalawa ng gabi sa telepono at sinabing nasa ibang bansa ang kongresista.

Sinabi ni Topacio na kung totoong 99 percent nang lutas ang Degamo case, paano pa maididiin sa kaso si Cong. Teves kung 0.1 percent na lang pala ang bahagi ng naturang kongresista sa nasabing kaso.

Kung tunay na hawak na ng otoridad ang umanoy “main player” sa pagpatay kay Degamo, bakit mag-aantay pa aniya ng dalawang araw bago ito iharap sa media.

Bukod kay Topacio, kabilang sa mga dumalo sa forum sina Atty. Rose Erames-Lovely, Negros Oriental-based lawyer ni Cong. Arnie Teves at Atty. Michael Mella.

Nababahala naman si Atty. Mella sa mga pattern ng mga reklamo ng psychological pressure at torture ng mga inaresto sa mga raids ng CIDG sa mga bahay ng mga Teves.

Umapela ang mga abogado kay Interior Sec. Benhur Abalos na silipin ang pagkakasangkot ng mga pulis sa alegasyon ng harrassment at torture, dahil ito rin ang hiling ng mamamayan ng Negros Oriental.

Aniya, dahil sa ginagawang ito ng mga pulis, marami umano sa pamilya at supporters ng mga Teves ang umalis na sa Negros Oriental at lumipat na sa ibang mga probinsya dahil sa takot na madamay sa gulo. Sinabi pa nito na mayroon namang mga kaanak ang mga Teves na planong magsampa ng kaso sa Commission on Human Rights  (CHR) dahil sa panggigipit nila sa mga ito at pilit na idinadamay sa pagpatay kay Gov. Roel Degamo.

Sinabi pa ni Topacio na kung 100 percent nang payag si House Speaker Martin Romualdez sa mga request ni Teves sa ligtas na pagbabalik sa Pilipinas,  agad na babalik ang kliyente nito sa bansa.

Si Romualdez din nagprisinta na maging caretaker ng Negros ­Oriental 3rd District.

vuukle comment

ROEL DEGAMO.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with