^

Police Metro

SPD handa na sa Semana Santa 2023

Ludy Bermudo - Pang-masa
SPD handa na sa Semana Santa 2023
Naging mabilis ang paggawa ng mga sellers ng mga palaspas para maibenta sa inaasahang pagdagsa ng libu-libong debotong Katoliko sa may Baguio Cathedral para sa paggunita ng Palm Sunday, ngayong araw, na hudyat ng pagpasok ng Semana Santa.
Andy G. Zapata Jr.

MANILA, Philippines — Handa ang mga operatiba ng Southern Police District (SPD) sa paglulunsad ng “Ligtas Sumvac” 2023 ng Philippine National Police (PNP), simula ngayon, (Linggo ng Palaspas) hanggang Abril 9 (Linggo ng Pagkabuhay).

Nasa hurisdiksyon ng SPD ang Pasay, Makati, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, Taguig at Pateros  na may 82 simbahan o places of worship, na babantayan ng 323 pulis.

Bukod pa rito ang 141 na itatalaga sa major thoroughfares, kabilang ang Nichols Interchange, 110 ang ide-detail sa 28 transport hubs/terminals sa nasasakupang ng SPD.

Para naman sa seguridad sa 46 commercial areas sa loob ng Southern Metro Manila, ipapakalat ang 109 at 86 naman sa iba pang mga places of convergence gaya ng malls.

Maglalagay din ang SPD ng siyam na ‘one-stop-shop help desks’  sa buong AOR, na tatauhan ng 46 PNP personnel para magbigay ng police assistance at madaliang pagtugon sa anumang alalahanin sa seguridad na maaaring mangyari sa panahon ng Semana Santa.

“Ang SPD ay nagsagawa ng malaking paghahanda para sa Semana Santa, at ang aming mga tauhan ay handang tumugon sa anumang sitwasyon na nangangailangan ng aming agarang aksyon. Hinihimok ko ang publiko na maging mapagbantay at iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad na kanilang makikita. Sama-sama, masisiguro nating ligtas at mapayapa ang pagdiriwang ng Semana Santa para sa lahat,” ani SPD Director P/Brig, Gen Kirby John Brion Kraft.

vuukle comment

SEMANA SANTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with