^

Police Metro

Police general inaresto sa kasong estafa

John Unson - Pang-masa
Police general inaresto sa kasong estafa
Kusang sumama si Police Brig. Gen. John Guyguyon (gitna) sa mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) matapos ihain sa kanya ang 2 warrant of arrest mula sa Regional Trial Court Branch 104 at sa RTC Branch 91, parehong nasa Quezon City, sa mga kasong syndicated estafa.
John Unson

Quezon City court inihain ang warrant of arrest…

MANILA, Philippines — Inaresto ng kanyang mga kabaro sa kanyang opisina ang isang police general batay sa utos ng dalawang korte sa Quezon City kung saan may kinaharap na kasong syndicated estafa.

Kusang nagpaaresto si Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Minda­nao (BARMM) director Police Brig. Gen. John Guyguyon sa mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na naghain ng mga warrant of arrest para sa kanya mula sa Regional Trial Court Branch 104 at sa RTC Branch 91, parehong nasa Quezon City, kung saan may kinakaharap siyang mga kasong syndicated estafa.

Mismong sa tanggapan ni Guyguyon, sa headquarters ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) sa Camp SK Pendatun sa Parang, Maguindanao del Norte, ginawa ang pag-aresto sa kanya ng mga operatiba ng CIDG.

Pirmado ng mga huwes na sina Catherine Manodon at Kathleen Rosario Dela Cruz Espinosa ang mga hiwalay na warrant of arrest para kay Guyguyon.

Walang piyansang nirekomenda ang dalawang huwes para sa pansamantalang paglaya ni Guyguyon.

Ayon sa mga opisyal ng PRO-BAR, pansa­mantalang hahalili muna sa naarestong si Guyguyon ang kanyang deputy, si Police Brig. Gen. Francis Gorobia Tria. - Doris Franche-Borja

vuukle comment

ESTAFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with