^

Police Metro

Pampasaherong barko sa basilan nasunog: 31 patay

Danilo Garcia - Pang-masa
Pampasaherong barko sa basilan nasunog: 31 patay
Papunta ang mga tao sa nasunog na ferry nitong Marso 30, 2023 sa lugar ng Basilan Province, Southern Philippines.
AFP

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 31 katao ang nasawi habang nasa 230 ang nailigtas makaraang masunog ang isang pampasaherong barko habang naglalayag malapit sa baybayin ng Basilan nitong Miyerkules ng gabi.

Unang iniulat ni  Basilan Governor Jim Hataman-Salliman na nasa 12 ang namatay sa insidente na nadagdagan makaraang matagpuan ang tinatayang 18 bangkay sa loob ng airconditioned cabin ng MV Lady Mary Joy 3.

Nabatid na naglalayag patungo sa Jolo, Sulu ang barko mula sa Zamboanga City nang sumiklab ang apoy pasado alas-11:00 ng gabi nitong Miyerkules.

Nailigtas ng mga rescuers ng Philippine Coast Guard, Philippine Navy at mga pribadong barko ang nasa 195 pasahero at 35 tripulante.

Sinabi ni PCG Commodore Rejard Marfe na nag-panic ang mga tao na karamihan ay natutulog nang maganap ang sunog.

Isinadsad umano ng kapitan ang barko sa mababaw na parte ng dagat para mas madaling makalangoy ang mga pasahero na posible na mas marami pang pasahero ang nawawala dahil sa maaaring lagpas ang bilang ng pasahero sa nakatala sa manipesto na 205. Sa ulat ng Philippine Ports Authority (PPA), alas-10:47 ng Miyerkules ng gabi nang ipaalam sa kanila ng Philippine Coast Guard-Basilan ang pagsiklab ng apoy sa MV Lady Mary Joy 3 na may sakay na higit 200 pasahero sa may bisinidad ng Malamawi Island sa Basilan.

Agad na rumesponde ang barko ng PCG habang kumontak naman ang PPA sa may-ari ng nasusunog na barko ang Aleson Shipping Lines at sa Montenegro Shipping Lines para magpadala ng barko at magsagawa ng rescue operations.

Nahatak na ang MV Lady Mary Joy 3 sa isla ng Baluk-Baluk at doon isasailalim sa imbestigasyon ng mga otoridad. - Doris Franche-Borja, John Unson

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with