^

Police Metro

2 dinakip sa P2.6 milyon cocaine buy-bust

Mer Layson - Pang-masa
2 dinakip sa P2.6 milyon cocaine buy-bust
Ang dalawang drug dealer matapos maaresto sa isang buy-bust operation at nasamsam sa kanila ang nasa P2.6 milyong halaga ng cocaine, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Balibago, Sta. Rosa City, Laguna.

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga otoridad ang dalawang lalaki na na umano’y nagbebenta ng cocaine sa mga disco club at pub sa Metro Manila at Angeles City sa isang buy-bust operation.

Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang mga naarestong suspek na sina Aaron Nari Gidwani, 37; at  Mark Paul Idhaw Pagayon, 41.

Sa ulat, alas-10:40 ng gabi nang ma­aresto ng mga tauhan ng PDEA Region III - Pampanga Provincial Office, PDEA CALABARZON at local police, ang mga suspek sa buy-bust operation sa harapan ng isang sikat na theme park, sa Brgy. Balibago, sa Sta. Rosa, Laguna.

Kaagad na pinosasan ang mga suspek nang bentahan nila ng 500 gramo ng cocaine na nagkakahalaga ng P2,650,000 ang mga undercover cops.

Bukod sa cocaine at marked money, na­kumpiska rin mula sa mga suspek ang isang itim na Suzuki Smash motorcycle.

Nakakulong na ang mga suspek na nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa illegal drugs. — Ed Amoroso

vuukle comment

ARRESTED

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with