Oil price rollback uli sa sunod na linggo
MANILA, Philippines — Isang magandang balita sa mga consumer ang panibagong bawas-presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo dahil sa pagbaba ng presyo sa world market sanhi ng banking crisis nang magsara ang ilang bangko sa US at Switzerland.
Ayon kay Unioil President Leo Bellas na may mahigit P1 ang inaasahang bawas sa presyo kada litro ng diesel at gasolina.
Batay sa unang apat na araw na oil trading, ang halaga ng imported na petroleum products ay bababa ng P1.45 kada litro sa diesel, P1.38 per liter sa gasolina at P1.99 per liter sa kerosene.
Nangangamba si Bellas na magkakaroon ng mababang demand sa petrolyo sa mga susunod na buwan na resulta ng banking crisis at recession jitters.
May inaasahan ding rollback sa presyo ng LPG sa April 1.
Sinabi naman ni Arney Ty, Presidente ng Regasco na ang contract price ng LPG ay bumaba ng $170 per metric ton pero may pitong araw pa bago masabing pinal na ang hakbang bago matapos ang buwan ng Marso.
- Latest