^

Police Metro

Piyansa ng suspek sa Batocabe slay case, pinawalang bisa ng CA

Danilo Garcia - Pang-masa
Piyansa ng suspek sa Batocabe slay case, pinawalang bisa ng CA
Batay sa 10-pahinang desisyon ng CA 12th Division, nagkaroon umano ng grave abuse of discretion sa panig ni Legazpi City Regional Trial Court (RTC) Judge Maria Theresa San Juan-Lo­quillano nang pahintulutan niyang ma­kapagpiyansa si Carlwyn­ Baldo, ang itinuturong pumaslang kay Batocabe sa kabila ng mga iprinisintang­ ebidensiya at testigo ng pro­sekusyon laban sa kanya.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Pinawalang bisa ng Court of Appeals (CA) ang dala­wang kautusan ng isang ma­babang korte sa Legazpi City na nagpapahintulot na ma­kapagpiyansa ang panguna­hing sus­pek sa pagpatay kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe.

Batay sa 10-pahinang desisyon ng CA 12th Division, nagkaroon umano ng grave abuse of discretion sa panig ni Legazpi City Regional Trial Court (RTC) Judge Maria Theresa San Juan-Lo­quillano nang pahintulutan niyang ma­kapagpiyansa si Carlwyn­ Baldo, ang itinuturong pumaslang kay Batocabe sa kabila ng mga iprinisintang­ ebidensiya at testigo ng pro­sekusyon laban sa kanya.

Sa desisyon ng Appellate Court na may petsang Marso 1, 2023, inatasan rin nito ang mababang hukuman na resolbahin ang petition­ for bail at ikonsidera ang lahat ng mga iprinisintang ebidensiya sa naturang bail hearing ni Baldo.

Sinabi pa ng CA na nag­kamali ang mababang hukuman nang ipag-utos na ang ikonsidera lamang ay ang testimonya ng dalawa sa limang testigo na iprinisinta ng pro­sekusyon, at balewalain ang testimonya ng tatlong iba pa.

“Based on the foregoing­ discussion, We find that the trial court committed grave abuse of discretion by granting Baldo’s Petition for Bail without fully conside­ring all of the prosecution’s evidence in the assailed Orders. Therefore, the assailed Orders are deemed null and void,” nakasaad pa sa desis­yon ng Appellate Court.

Ikinatuwa naman ng pa­milya Batocabe ang desisyon ng CA at sinabing ito’y mala­king hakbang sa paghanap nila ng hustisya para sa pi­nas­lang na mambabatas.

Matatandaang si Batocabe at ang security aide na si SPO2 Orlando Diaz ay napatay nang tambangan habang papalabas ng Burgos Elementary School sa Daraga, Albay matapos mamigay ng regalo sa mga residente ng bayan noong Disyembre 2018.

Kinasuhan si Baldo ng double murder at six counts ng frustrated murder pero pinayagan na makapagpiyansa ng P8.72 milyong halaga ng surety bond na kinabibilangan­ ng mga titulo ng lupa.

CA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with