4 pang suspek sa degamo murder, sumuko
MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Department of Justice na apat pang suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo ang sumuko sa mga otoridad.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ang apat suspects ay mga dating sundalo na sumuko sa Armed Forces of the Philippines.
“Through the military, kasi mga military personnel ito, former military personnel, they are in custody already but will be turned over to us tomorrow... We hope that they will be in Manila tonight and will be turned over to us tomorrow morning,” wika ni Remulla.
“They arranged for their own surrender.... Most of them are not anymore active, may tumulong sa amin na enlisted person, may active military man na tumulong sa ‘min na kunin ang surrender,” dagdag ni Remulla.
Patuloy pang pinaghahanap ng mga otoridad ang nasa dalawa hanggang tatlo pang suspek na sangkot sa pagpatay kay Degamo, pero ang mayorya ng miyembro ng tinatawag na “attack team” ay nasa kustodiya ng pulisya.
Una nang pinayuhan ni Remulla si Teves na bumalik na ng bansa at sagutin ang mga paratang sa pagkakasangkot niya sa pagpatay kay Degamo murder at iba pang pulitiko. Anya, kung wala talagang kasalanan ay dapat umanong lumabas ang kongresista na sa kanilang monitoring ay nasa isang bansa lang ito sa Southeast Asia.
Maging ang Kamara ay binigyan na si Teves ng 24 oras na ultimatum na umuwi ng bansa dahil sa tapos na ang binigay ditong bakasyon noong Marso 9.
- Latest