401 bilanggo sa iba’t ibang kulungan, pinalaya
MANILA, Philippines — Nasa 401 bilanggo o persons deprived of liberty (PDL) ang pinalaya kahapon ng Department of Justice (DOJ) at Bureau of Corrections (BuCor) sa iba’t ibang bilangguan at penal farms.
Kabilang dito ang 163 mula sa New Bilibid Prison (NBP), 99 mula sa Davao Prison and Penal Farm (DPFF), at 47 mula naman sa Leyte Regional Prison.
Iniulat ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na 25 inmates ang pinakawalan sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City.
Sa 163 pinakawalan sa NBP, 59 sa kanila ang mula sa maximum security, 86 mula sa medium security at 12 sa minimum security habang apat ang mula sa Reception and Diagnostic Center (RDC).
Mayorya sa kanila ay pinakawalan dahil sa pagkuwalipika sa parole, 106 dahil sa pagtatapos na ng kanilang ‘maximum sentence’ na may kasamang Good Conduct Time Allowance (GCTA).
- Latest