^

Police Metro

Kelot timbog sa P8 milyong shabu

Ed Amoroso - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 34-anyos na la­laki ang inaresto ng mga otoridad matapos na makumpiska sa kanya ang nasa P8 milyong halaga ng shabu sa isang drug buy-bust operation, kahapon ng madaling araw sa Lucena City, Quezon.

Kinilala ang naarestong suspek na si Andrian Saludez, motorcycle buyer and seller na itinuturing ng Philippine National Police (PNP) na isang high-value target.

Sa ulat, alas-12:24 ng madaling araw nang isa­gawa ang drug buy-bust operation sa Immaculada Subdivision, Brgy. Isabang ng lungsod na ito na kung saan ay nagpanggap na buyer ang isang pulis at dito ay nakuha ang tatlong pirasong plastic sachets na shabu na tumi­timbang ng 375 gramo na aabot sa P8 milyon.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 and 11 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with