^

Police Metro

P120 milyong puslit na poultry, seafood items nadiskubre sa Navotas

Danilo Garcia - Pang-masa
P120 milyong puslit na poultry, seafood items nadiskubre sa Navotas
Tumambad sa mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa P120 milyon halaga ng puslit na poultry at seafood products nang salakayin nila nitong Biyernes ang pitong cold storage sa Navotas City.

MANILA, Philippines — Aabot sa P120 milyon  halaga ng mga hinihina­lang smuggled poultry at seafood products na nadiskubre ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa serye ng mga pagsalakay na kanilang isinagawa sa pitong  warehouses o cold storage facilities sa Navotas City nitong Biyernes (Marso 17, 2023).

Nilagdaan ni Customs Commissioner Bienvenido­ Rubio ang Letters of Au­thority (LOAs) upang mag-implementa ang mga operatiba na binubuo ng BOC, Customs Intelligence and Investigation Service sa Manila International Container Port (CIIS-MICP), Department of Agriculture Inspectorate and Enforcement Office (DA-IE), Na­tional Meat Inspection Service (NMIS), at Phi­lippine Coast Guard (PCG), ang nagtungo sa mga bodega sa Navotas City.

Si CIIS-MICP chief Alvin Enciso ang nanguna sa BOC team sa pagsisilbi ng LOAs, kasunod ang pag-iinspeksiyon sa mga bo­dega na pinapurihan ni Rubio dahil sa isinagawang mabilis na pag-aksiyon.

Sa isinagawang pag-iinspeksiyon sa mga bodega, nadiskubre ng grupo ang iba’t ibang poultry products, gaya ng frozen pork legs, chicken drumsticks, pork spareribs, squid rings, crayfish, pork ears, pork hinges, balone, brawley beef, pork aorta, chicken feet, pork riblets, golden pampano, pangasius fillet, boneless pork ham, fish tofu, at pork ears.

Bagama’t karamihan sa mga frozen seafood ay mula sa China, mayroon ding mga beef mula sa Brazil at Australia, pork mula sa United States, at pork ears mula sa Russia.

Ang grupo, na sinamahan ni DA Assistant Sec­retary James Layug, Na­votas City Lone District Representative Toby Tiangco, at mga personnel mula sa Business Permit and Licensing Office (BPLO), ay nagprisinta ng mga kopya ng LOA sa mga kinatawan ng mga bodega kung saan nadiskubre ang mga hinihinalang smuggled goods.

Pansamantalang ipinadlak at isinelyo ang mga bodega, kabilang ang mga bakanteng storage facility, at ang susi ng mga ito ay  itinurn-over sa mga opisyal na barangay na sumaksi sa inspeksiyon.

vuukle comment

POULTRY

SEAFOOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with