^

Police Metro

Bagong aplikante sa Kuwait, bawal muna — DMW

Gemma Garcia - Pang-masa
Bagong aplikante sa Kuwait, bawal muna � DMW
Sinabi ni DMW Secretary Susan “Toots” Ople na ang desisyon ay saklaw lamang ng desisyon ang mga kontrata ng Kuwait-bound first-time OFW domestic workers, lalo na ang mga household service worker.
STAR / File

MANILA, Philippines — Sa gitna ng kasalukuyang pag-uusap upang masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng mga overseas Filipino workers (OFWs) kasunod ng pagkamatay ng domestic worker na si Jullebee Ranara ay pansamantalang sinuspinde ng Department of Migrant Workers (DMW) ang deployment ng bagong aplikante para sa mga gustong magtrabaho sa Kuwait.

Sinabi ni DMW Secretary Susan “Toots” Ople na ang desisyon ay saklaw lamang ng desisyon ang mga kontrata ng Kuwait-bound first-time OFW domestic workers, lalo na ang mga household service worker.

Ang serye ng bilateral talks sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait ay naka-iskedyul na upang talakayin ang kapakanan ng mga OFW.

Gayunman, ipinaliwanag ni Ople na ang deployment ban ay hindi isinasaalang-alang dahil makakaapekto ito sa humigit-kumulang 260,000 OFWs, nasa 195,000 sa kanila ay mga household service worker, na kasalukuyang nasa Kuwait.

Sa halip na Kuwait, sinabi ni Ople na may mga bansa pang maaaring pagpilian ng mga domestic workers tulad ng Saudi Arabia na kung saan ay may magandang relasyon ang Pilipinas dito pagkatapos ng bilateral talks noong Nobyembre 2022.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with