BOC-CIIS tumanggap ng pagkilala sa anti-smuggling ops

MANILA, Philippines — Pinarangalan ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) sa kanilang ika-121st founding anniversary para sa “strategic execution” ng anti-smuggling operations nito na nagresulta sa “multiple successful apprehensions.”
Kinilala ng ahensiya ang mga serbisyo ng kanilang collection districts at offices sa kanilang pagdiriwang na isinagawa sa South Harbor sa Maynila nitong Martes. Nabatid na si CIIS Director Jeoffrey Tacio ay tumanggap rin ng plaque of recognition mula kay Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz.
Binigyang-pagkilala sa plake ang “technical proficiency” ng CIIS sa pagtulong sa ahensiya na magampanan ang kanilang mandato na protektahan ang mga border ng bansa.
Nagagalak namang tinanggap ni Tacio ang parangal at kinilala rin ang kanyang mga tauhan sa sakripisyo ng mga ito upang matiyak na magiging matagumpay ang kanilang mga operasyong isinagawa noong nakaraang taon.
Pinuri rin ni Tacio ang mga opisyal at ahente ng CIIS para sa kanilang mahusay at kahanga-hangang pagtatrabaho noong nakaraang taon.
Ang founding anniversary ng ahensiya ay dinaluhan rin ni Finance Secretary Benjamin Diokno, na siyang kumatawan kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang guest of honor at speaker.
Napag-alaman na sa Manila International Container Port (MICP) pa lamang, nakakumpiska na ang CIIS ng alerted shipment na may estimated value na P21,655,776,268.18, nagpatupad ng Letters of Authority (LOA), at joint buy-bust operations noong 2022 na mas kumpara sa P18,190,539,469 noong 2021.
- Latest