^

Police Metro

248 Pinoy apektado sa Turkey quake

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Ambassador Maria Elena Algabre na nasa 248 Pinoy ang apektado ng magnitude 7.8 na lindol sa Turkey, subalit sa kasalukuyan wala pang naitatalang nasasawi.

“Ang mga Pilipino na 248 na nasa region na ‘yun ay apektado kasi po marami pong building ang nasa­lanta, walang electricity, ma­lamig, umuulan,” wika ni Algabre.

Sa huling ulat ng mga otoridad, nasa 3,700 na ang nasawi sa naganap sa lindol sa Turkey at Syria.

Maliban dito, sinabi ni Algabre na mayroong 78 aftershocks ang naitala na ang iba ay kasinlakas pa ng naunang lindol.

Ipinakalat na ang nasa 9,000 search and rescue personnel sa mga lugar na apektado ng lindol kasabay ng pagbibigay ng pamahalaan ng Turkey ng nasa 300,000 kumot at mobile kitchen para uma­lalay sa mga biktima.

Nauna nang nagpara­ting ng pakikiramay ang pamahalaan sa pamilya ng mga nasawi sa lindol sa Turkey at Syria kasunod ng pagsasabing handang tumulong ang bansa sa mga biktima.

vuukle comment

EARTHQUAKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with