^

Police Metro

Big time oil price rollback kasado ngayon

Pang-masa
Big time oil price rollback kasado ngayon
Sa pagtataya, P2.60 hanggang P2.80 ang mababawas sa presyo ng kada litro ng diesel, samantalang maaaring umabot ng hanggang P2 ang ibababa sa gasolina.
Walter Bollozos, file

MANILA, Philippines — Matapos ang magkakasunod na linggo nang pagtaas ay magpapatupad ngayong araw ang mga kompanya ng langis ng bawas-presyo sa kanilang mga produktong petrolyo.

Sa pagtataya, P2.60 hanggang P2.80 ang mababawas sa presyo ng kada litro ng diesel, samantalang maaaring umabot ng hanggang P2 ang ibababa sa gasolina.

Magugunita na sa nakalipas na linggo, nagtaas ang mga kompanya ng P1 sa diesel, P1.30 sa gasolina, samantalang P1.35 naman sa kerosene.

Ang pagtataya sa pagbaba ng mga presyo ay base sa naging paggalaw sa presyo sa pandaigdigang merkado noong Enero 30 hanggang Pebrero 2.

Ngayong 2023, uma­ngat na ng P7.20 ang kada litro ng gasolina, P3.05 sa diesel at P4.45 naman sa kerosene.

vuukle comment

OIL PRICE ROLLBACK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with