^

Police Metro

3 NPA rebels patay sa engkuwentro

Doris Franche-Borja - Pang-masa
3 NPA rebels patay sa engkuwentro
Sa report ng Philippine Army, unang sumiklab ang engkuwentro noong Sabado bandang alas-5:00 ng hapon sa Brgy. Ori­ngao, Kabankalan City, Negros Occidental makaraang rumesponde ang mga pulis at kasapi ng 94th Infantry Battalion (IB) sa report na may presensya ng mga armadong kala­lakihan na nagsasagawa ng pangingikil.
STAR / File

MANILA, Philippines — Napatay ang tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) rebels sa magkasunod na sagupaan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan habang nasa 800 residente naman ang inilikas sa Kabankalan City.

Sa report ng Philippine Army, unang sumiklab ang engkuwentro noong Sabado bandang alas-5:00 ng hapon sa Brgy. Ori­ngao, Kabankalan City, Negros Occidental makaraang rumesponde ang mga pulis at kasapi ng 94th Infantry Battalion (IB) sa report na may presensya ng mga armadong kala­lakihan na nagsasagawa ng pangingikil.

Nang marating ang bulubunduking bahagi ng nasabing lugar ay sinalubong ng putok ng mga rebelde ang mga tropa ng pamahalaan na nauwi sa 20-minutong bakbakan.

Muling nagsagawa ng pursuit operations ang tropa ng pamahalaan nitong Linggo ng umaga laban sa mga rebeldeng grupo na nagresulta sa muling pagsiklab ng sagupaan at tumagal ng ilang minuto ang putukan na ikinamatay ng tatlong rebelde habang wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa mga pulis at sundalo.

Ayon naman kay Kabankalan City Mayor Benjie Miranda, nasa 283 pamilya o 822 katao ang inilikas at pansamantalang inilagay sa covered court ng barangay.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with