^

Police Metro

Kelot todas, 1 pa kritikal sa tandem

Ed Amoroso - Pang-masa

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang lalaki habang ang kasama nito ay nasa kritikal na kalagayan matapos pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo kahapon sa Los Baños City, Laguna.

Kinilala ang nasawi na si Saidamen Ampawa, na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang ang kasama nito na si Macabangon Manuco ay nasa kritikal na kalagayan.

Nakilala ng mga otoridad ang dalawang suspek na isang Lagusak Anowar Bandara at Janal Ameril na mabilis na tumakas sakay ng motorsiklo.

Batay sa imbestigas­yon, alas-12:30 ng tang­hali ay nakahandang ma­ki­pagkita ang mga biktima kay Ameril sa harap ng isang mini-stop store na matatagpuan sa Brgy. Batong Malake upang ayusin ang kasong R.A 9262, o violence against women and their children.

Habang sakay ang mga biktima ng puting Toyota Innova (NCO-5237) ay nilapitan sila ng mga suspek at pinagbabaril si Ampawa na nakaupo sa driver seat habang si Manuco ay nakaupo sa likod.

Nang masigurong nadale ang mga biktima ay tumakas ang dalawang suspek sakay ng motorsiklo.

Nabatid sa mga barangay officials na ang mga biktima at suspek ay may matagal nang alitan at may nakapending na kaso kabilang ang tungkol sa relihiyon.

vuukle comment

RIDING IN TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with