^

Police Metro

P2K buwanang ayuda para sa pamilya na may anak na PWD, isinulong sa Kamara

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagsanib-pwersa sa paghahain ng isang panukalang batas para bigyan ng buwanang ayuda ang mga pamilya na may anak o miyembro na person with disability (PWD) ang anim na mambabatas.

Inihain nina Davao City Congressmen Paolo Duterte, Eric Yap ng Benguet, ACT-CIS Congs. Edvic Yap, Jocelyn Tulfo at Jeff Soriano ang House Bill 6743.

Sa ilalim ng nasabing panukala na pinamagatang “Monthly Subsidy for Parents with Children with Disability Act” ay makakatanggap ng P2,000 na monthly pension ang mga magulang na may anak na PWD na ang edad ay 21 taong gulang pababa.

“Tulong ito ng estado sa mga magulang sa gastusin nila sa maintenance medicine o therapy ng kanilang PWD na anak,” pahayag ni Duterte.

“Binase namin ang bill na ito sa pag-aaral ng DSWD sa panahon ni dating Sec. Erwin Tulfo na mas hirap ang pamilya na may PWD pagdating sa gastusin,” ayon naman kay Cong. Yap, na isa rin sa mga may-akda ng panukala.

“Alam namin na hindi ito sapat pero kahit papaano ay makatulong sa gastusin buwan-buwan sa pangangailangan ng PWD na anak,” dagdag naman ni Cong. Soriano.

vuukle comment

PWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with