^

Police Metro

Store sa Quezon City tumanggap ng sibuyas bilang bayad

Mer Layson - Pang-masa
Store sa Quezon City tumanggap ng sibuyas bilang bayad
Sinamantala ng mga kustomer na makabili ng isa hanggang sa tatlong items sa Japan Home Centre kapalit ng sibuyas bilang bayad, kahapon sa Quezon City.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Isang Japanese store sa Quezon City ang dinagsa ng mga mamimili matapos itong tumanggap ng sibuyas bilang ba­yad sa ilan nilang piling paninda sa loob ng isang araw.

Dahil na rin sa napakamahal na sibuyas, binuksan ng Japan Home Centre sa Panay ang kanilang store sa mga mamimili para sa palit-sibuyas na items.

Nabatid na pinilahan ng mga mamimili ang main branch ng natu­rang store nitong Sabado upang bumili ng ilang pi­ling items na maaa­ring bayaran ng sibuyas kabilang dito ay ang mga cooking pans, cleaning solutions, at iba’t ibang home pro­ducts na nagkakahalaga ng hanggang P88.

Nabatid na ang bawat produkto ay may katumbas lamang na isang sibuyas.

Bawat mamimili naman ay maaari lang bumili ng hanggang tatlong item o magbayad ng hanggang tatlong sibuyas.

Ayon kay Japan Home Centre Marketing Officer Mitzi Gamboa, ang event ay nagtagal ng hanggang alas-8:00 ng gabi nitong Sabado lamang. Aniya, ang mga sibuyas na nakolekta nila ay gagamitin nila sa community pantry na itatayo sa tapat ng tindahan sa Pebrero 8. 

vuukle comment

SIBUYAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with