^

Police Metro

Ilang bahagi ng Metro Manila, Cavite mawawalan ng tubig

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inanunsyo kahapon ng Maynilad Water Services Inc. (Maynilad) na mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang bahagi ng Metro Manila at kalapit na lalawigan ng Cavite bunga ng pagtaas  ng “raw water turbidity” dulot ng hanging amihan.

Ayon sa Maynilad, nagsimula na kahapon o Sabado ang water interruption hanggang sa Martes sa mga apektadong lugar sa Las Piñas, Muntinlupa, Cavite, ­Parañaque, at Pasay City.

Ang water interruption sa Las Piñas ay mula alas-9 ng Pebrero 4 hanggang alas-4 ng hapon sa Pebrero 7, 2023.  

Ang pagkawala ng tubig sa Muntinlupa ay alas-12:01 ng hapon si­mula nitong Sabado, Peb 4 hanggang Pebrero 7 ng alas-4 ng umaga .

Ang water interruption sa iba pang lugar ng Muntinlupa at sa naturang ibang LGU ay nagsimula ng alas-11:00 ng umaga kahapon, hanggang alas-5 ng umaga ng Pebrero 7.

Bunsod nito, sinabi ng Maynilad na may mga mobile tankers sila na iikot sa mga apektadong lugar para magbigay ng malinis na tubig.

Hinikayat ng Maynilad ang mga apektadong kustomer na oras umano na bumalik ang suplay ay hayaan munang dumaloy ang tubig sa gripo hangga’t hindi ito nagi­ging malinaw.

Humingi ng despensa ang Maynilad sa mga apektadong residente.

vuukle comment

MAYNILAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with