^

Police Metro

10-14 anyos dalagita na nabubuntis dumarami - POPCOM

Joy Cantos - Pang-masa
10-14 anyos dalagita na nabubuntis dumarami - POPCOM
Stock image of a pregnant woman.
Pixabay

MANILA, Philippines — Naalarma ang Com­mission on Population and Development (POPCOM) sa pagdami ng mga nagdadalaga na nasa 10-14 anyos ang na­­bubuntis sa bansa.

Ito ang inilahad ni POPCOM Executive Director Lisa Grace Bersales sa kaniyang pagharap kamakalawa sa House Committee on Youth and Sports Development  na pinamumunuan ni 5th District Rep. Faustino Michael Carlos Dy.

Hinikayat ni Bersales ang pamahalaan na umaksyon upang mabawasan ang pagbubuntis ng mga nagdadalaga o teenage group.

Base sa data ng Civil Registry of Statistics ng Philippines Statistics Authority (PSA), sinabi ni Bersales na nasa 2,113 ang mga ipinanganak na sanggol sa nasabing age group noong 2020.

Habang sa data ng Department of Health (DOH), nasa 2,534 mga kabataang Pilipina na nasa 10-14 taong gulang  ang nanganak noong 2020 kung saan nasa 2, 299 naman noong 2021.

Sa pahayag naman ni Jelie Barceta ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Social Technology Bureau na noong 2019 ay nasa 2,411 mga menor de edad na nasa 10-14 anyos ang nabuntis at nanganak.

Nasa 133,000 mga menor de edad na ang nagkapamilya noong 2021 kabilang ang nagkakaedad ng 10 hanggang 19 taong gulang.

vuukle comment

PREGNANCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with