^

Police Metro

Gasolinahan hinoldap ng 3 lalaking nagpa-full tank

Angie dela Cruz - Pang-masa
Gasolinahan hinoldap ng 3 lalaking nagpa-full tank
Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Project 4 Police Station 8, alas-3:40 ng madaling araw, nang hol­dapin ang Unioil Gasoline Station na matatagpuan sa No. 603 Katipunan Ave., Brgy. Milagrosa, Project 4, Quezon City.
STAR / File

MANILA, Philippines — Pina-full tank muna ang sinasakyang kotse ng tatlong hindi pa nakikila­lang lalaki bago nila hinoldap nila ang gasolinahan sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Project 4 Police Station 8, alas-3:40 ng madaling araw, nang hol­dapin ang Unioil Gasoline Station na matatagpuan sa No. 603 Katipunan Ave., Brgy. Milagrosa, Project 4, Quezon City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, abala umano sa loob ng booth ang kaherang si Claire Joy Zabala, 25, nang dumating ang tatlong suspek sakay ng puting Toyota Tamaraw FX at nagpa-gasolina.

Matapos na makapag-karga ng gasolina, isa sa mga suspek ang nagtungo sa kahera at tinutukan ng baril si Zabala at nagdeklara ng holdap, at tinangay ang P19, 833.00 kita ng gasolinahan.

Hindi pa umano nakuntento ang mga suspek ay tinangay pa ang cellphone ng kahera bago tumakas patungong Katipunan Ave, south-bound direction.

vuukle comment

GASOLINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with