^

Police Metro

P5 milyong alok para maalis sa BI blacklist, scam – BI

Danilo Garcia - Pang-masa
P5 milyong alok para maalis sa BI blacklist, scam â BI
Ito ay makaraang tumestigo sa Senado si Movement for Restoration of Peace and Order (MRPO) Chairperson Ka Kuen Chua na may mga alok sa social media mula P1 milyon hanggang P5 milyon para matanggal ang isang dayuhan sa blacklist ng BI.
Bureau of Immigration Facebook page

MANILA, Philippines — Naglabas ng babala ang Bureau of Immigration (BI) na scam o peke, ang kumakalat ngayon sa social media na alok kung saan sa halagang P1 milyon hanggang P5 milyon ay maaari nang maalis ang pangalan ng isang indibidwal sa blacklist ng ahensya.

Ito ay makaraang tumestigo sa Senado si Movement for Restoration of Peace and Order (MRPO) Chairperson Ka Kuen Chua na may mga alok sa social media mula P1 milyon hanggang P5 milyon para matanggal ang isang dayuhan sa blacklist ng BI.

“We have observed that this scam proliferates not only on Facebook, but also in other messaging platforms such as WeChat,” saad ni BI Commissioner Norman Tansingco.

May mga accounts pa umano na nagpapanggap na mga immigration lawyers at legal officers at litrato ng kanilang mga tauhan, badges at maging logo ng BI.

Unang itinanggi ng BI na sangkot ang kanilang mga tauhan sa naturang modus ngunit magsasagawa rin umano sila ng imbestigasyon.

Sinabi ni Tansingco na pabalik-balik ang naturang uri ng scam na humihinto lamang kapag umiinit at kapag lumamig na ang sitwasyon ay mu­ling bumabalik. 

Kaya importante  na makipagtransaksyon ang mga dayuhan sa tanggapan ng BI at mga lehitimong tauhan at dapat iulat kaagad sa kanila kapag nakaengkuwentro ng naturang modus o sa ibang law enforcement agencies.

BUREAU OF IMMIGRATION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with