Marcos bibisita sa Japan sa February 8-12

MANILA, Philippines — Tuloy na tuloy na ang official working visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Japan, mula Pebrero 8 hanggang 12, 2023.
Ang Japan para sa Malacañang ay isa sa dalawang strategic partners ng Pilipinas na itinuturing na mahalagang “trade at investment partner” ng bansa.
Sa pre-departure briefing sa Malacañang, sinabi ni DFA Assistant Secretary Nathaniel Imperial na ang biyahe ng Chief Executive patungong Japan ay tugon sa imbitasyon ni Japan Prime Minister Fumio Kishida.
Ito ang kauna-unahang pagbisita ng Pangulo sa Japan simula nang maupo ito sa puwesto bilang halal na Pangulo ng bansa.
Kinokonsidera naman ng DFA ang pagbisita na ito ng Pangulo sa Japan bilang “consequential.”
Ang Japan pa rin ang unang bansa kung saan nabuo ang “strategic partnership” ng bansa at tanging isa sa dalawang strategic partners ng Pilipinas, ang isa ay ang bansang Vietnam.
Ang Japan din ang tanging bansa kung saan mayroong bilateral free trade agreement ang Pilipinas na tinawag na PH-Japan Economic Partnership Agreement.
- Latest