^

Police Metro

Taas-pasahe sa MRT-3, nakaamba

Mer Layson - Pang-masa
Taas-pasahe sa MRT-3, nakaamba
Sakaling maaprubahan ang naturang fare hike petition, ang minimum charge ng MRT-3 para sa biyahe mula North Avenue station hanggang GMA Kamuning ay inaasahang magiging P17 na mula sa kasalukuyang P13 lamang habang ang maximum charge naman mula North Avenue station hanggang Taft Avenue ay magiging P34 mula sa kasalukuyang P28.
www.mrt3.com

MANILA, Philippines — Naghain ang Metro Manila Transit Line 3 (MRT-3) ng petisyon sa Rail Regulatory Unit ng Department of Transportation (DOTr) para sa isang fare rate increase mula P4 hanggang P6 dahil sa kakulangan ng kita.

Sakaling maaprubahan ang naturang fare hike petition, ang minimum charge ng MRT-3 para sa biyahe mula North Avenue station hanggang GMA Kamuning ay inaasahang magiging P17 na mula sa kasalukuyang P13 lamang habang ang maximum charge naman mula North Avenue station hanggang Taft Avenue ay magiging P34 mula sa kasalukuyang P28.

Ayon sa MRT-3, napapanahon na ang pagtataas ng pasahe dahil ang kanilang gastusin ay umaabot na sa P8,969,179,830.02 hanggang noong Nobyembre 2022, habang ang total revenue nito ay nasa P1,107,523,425.23 lamang.

Nagreresulta anila ito sa deficit na P7,861,656,404.79 o P88.34 government subsidy kada pasahero.

Nakatakda namang magpatawag ang DOTr ng public consultation hinggil sa petisyon sa Pebrero 17 upang makuha ang opinyon ng publiko, na siyang maaapek­tuhan nito.

Samantala, inaasahan din namang magdaraos ng public hearing para sa hiling na P2.50 fare hike ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) at Line 2 (LRT-2).

vuukle comment

MRT-3

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with