^

Police Metro

PNP officials na nagpasa ng courtesy resignation, sasalain na

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinangalanan na ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. ang bubuo sa advisory group na siyang magsasagawa ng inisyal na screening sa mga matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) na naghain ng courtesy resignation.

Inanunsyo ni Abalos na ang mga miyembro ng advisory group ay sina Baguio City Mayor Benjamin Magalong, PNP Chief Director General Rodolfo Azurin Jr., dating National Defense Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro, Jr. at Retired Major General Isagani Nerez. Habang ang  panglimang miyembro ay tumangging isapubliko ang kanyang pangalan.

Sinabi ni Abalos na agad nang magsisimula sa kanilang screening ang advisory group at inaasahang matatapos ang buong proseso ng tatlong buwan.

“Mataas ang respeto natin sa limang volunteer advisors na ito na tumanggap ng napakahirap na hamon at responsibilidad na magsagawa ng imbes­tigasyon upang patuloy na masugpo ang iligal na droga sa bansa,” ani Abalos.

Kampante naman ang kalihim na magiging patas at walang kinikilingan ang magiging review ng advisory group “dahil sila ay kilalang may kredibilidad, integridad at magandang track record sa kani-kanilang larangan.”

Ang nasabing advisory group ang magsasala sa mga courtesy resignation ng mga matataas na opisyal ng PNP kasama ang National Police Commission (NAPOLCOM).

Binigyang-diin ni Abalos na hindi isang pormal na government appointment ang pagiging miyembro ng nasabing advisory group at pinakiusapan lamang ang mga volunteer advisors.

Hawak na rin umano ng DILG ang inisyal na listahan ng mga sinasabing opisyal ng PNP na sangkot sa ilegal na droga. - Malou Escudero

vuukle comment

DILG

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with