^

Police Metro

Frozen eggs ‘wag bilhin - DOH, BAI

Danilo Garcia - Pang-masa
Frozen eggs �wag bilhin - DOH, BAI
Hinimok ng DOH ang publiko na siguruhing maayos ang paghahanda ng mga pagkain upang maiwasan ang kontaminasyon sa mga ito, kasunod na makatanggap sila ng ulat na mas gusto nang bumili ng frozen eggs ang maga tao dahil mas mura ito.
Walter Bollozos / The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Department of Health (DOH) at Bureau of Animal Industry (BAI) sa publiko na iwasang bumili o kumain ng mga frozen egg na ibi­nibenta na sa ilang mga pamilihan sa bansa.

Ayon sa dalawang kagawaran, posibleng magdulot ito ng food poisoning dahil delikado ito sa Salmonella at E. coli bacteria.

Hinimok ng DOH ang publiko na siguruhing maayos ang paghahanda ng mga pagkain upang maiwasan ang kontaminasyon sa mga ito, kasunod na makatanggap sila ng ulat na mas gusto nang bumili ng frozen eggs ang maga tao dahil mas mura ito.

Sinabi rin ni BAI spokesperson Arlene Vytiaco na hindi ligtas kainin ng tao ang mga itlog na binasag na.

“Sa surface ng shell, puwedeng may bacteria na pwedeng pumasok sa loob if the shells are cracked,” pagbabahagi ni Vytiaco.

“Ang number one na bacteria talaga dito is salmonella which causes typhoid fever, etc.,” dagdag pa ni Vytiaco.

Nagpaalala ang DOH na kung bibili ay siguruhin munang malinis, walang bitak, maayos ang kulay at walang masangsang na amoy ang itlog na bibilhin.

Dapat ding lutuing mabuti ang itlog bago kainin.

vuukle comment

DOH

EGG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with