^

Police Metro

49% Pinoy tiwala na gaganda ang buhay ngayong 2023

Angie dela Cruz - Pang-masa
49% Pinoy tiwala na gaganda ang buhay ngayong 2023
Ito ang lumabas sa nationwide survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa noong December 10 hanggang 14, 2022 kung saan napag-alaman din na 37 porsyento ng respondents ang nagsabing hindi ito magbabago, at limang porsyento ang nagsabing lalala pa ito, habang walong porsyento ang walang sagot.
STAR / File

MANILA, Philippines — Nasa 49 porsyento na mga Pinoy ang naniniwala na gaganda ang kalidad ng kanilang buhay sa susunod na 12 buwan.

Ito ang lumabas sa nationwide survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa noong December 10 hanggang 14, 2022 kung saan napag-alaman din na 37 porsyento ng respondents ang nagsabing hindi ito magbabago, at limang porsyento ang nagsabing lalala pa ito, habang walong porsyento ang walang sagot.

Mas mataas ng apat na puntos ang “net personal optimism” (percentage of optimists minus pessimists) na 44 percent kumpara sa 40 percent noong October 2022 at pinakamataas mula sa pre-pandemic score na 44 percent noong December 2019, base sa polling firm.

Isinagawa ang Fourth Quarter 2022 Social Weather Survey gamit ang face-to-face interviews ng 1,200 adults (18-anyos pataas) sa buong bansa: tig-300 sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao.

Ang sampling error margins ay ±2.8% para sa national percentages, ±5.7% para sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao.

vuukle comment

SWS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with