Bangkay ni Ranara isinailalim na sa autopsy
MANILA, Philippines — Isinailalim na sa autopsy ng National Bureau of Investigation (NBI) ang bangkay ng napatay na overseas Filipino workers sa Kuwait na si Jullebee Ranara.
Si Ranara ay natagpuang patay sa isang disyerto sa nasabing bansa na sa ulat ay ginahasa, nabuntis, sinagasaan at pinatay ng anak ng amo nito na tinedyer.
Pasado alas-10 ng umaga nitong Sabado, ay dumating ang NBI forensic team sa funeral home sa Bacoor, Cavite para isagawa ang autopsy sa bangkay ni Ranara.
Sinuri ng mga eksperto ang external at internal injuries na tinamo ni Ranara upang matukoy ang ikinamatay nito.
Inaasahan naman na makukumpleto ang histopathology at general toxicology sa kinuhang tissue samples sa susunod na dalawang linggo.
Mismong ang pamilya ng biktima ang humiling na isailalim sa labi ni Ranara.
“It was a very tearful reunion. The family opted not to physically see the state of Jullebee upon arrival. Their request was for private time, and this was granted,” ani Migrant Workers Secretary Susan Ople.
- Latest