Marcos aprub ang VAT Refund Program sa foreign tourists
MANILA, Philippines — Sa layon na palakasin ang tourist arrivals sa bansa ay inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang implementasyon ng Value-Added Tax (VAT) Refund Program para sa foreign tourists sa 2024.
Inihayag ng Presidential Communications Office (PCO) na ang hakbang ng pangulo ay kasunduan na rin ng rekomendasyon ng Private Sector Advisory Council (PSAC) tourism sector group.
Ayon pa sa Palasyo, nakatakdang mag-isyu ng executive order ang pangulo tungkol sa tax refund program na pinapatupad na rin sa iba pang bansa .
Bukod sa VAT Refund Program para sa foreign tourists, base sa rekomendasyon ng PSAC ay inaprubahan din ng pangulo ang extension ng e-visas para sa Chinese, Indian, South Korean at Japanese national.
Gayundin ang pag-aalis ng One Health Pass o requirement para sa one form only para sa health immigration at customs.
- Latest