^

Police Metro

Mayoryang Pinoy, naniniwala na masama ang dulot ng POGO – Survey

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa lumabas na resulta ng Pulse Asia survey na kinomisyon ni Senator Sherwin Gatchalian mula November 27 hanggang December 1 noong nakaraang taon na may 1,200 respondents sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay mayorya ng Pinoy ang naniniwala na mas nakakasama ang dulot ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Tinanong ang bawat respondents kung ang POGO ba ay nakabubuti o nakasasama sa bansa at ang resulta ng survey, 58% ng mga respondents ay naniniwalang mas nakasasama para sa bansa ang operasyon ng mga POGO, habang 19% ang nagsasabing beneficial ang POGO at 20% naman ang hindi masabi kung nakasasama o nakabubuti ang POGO.

Pangunahin sa pinaniniwalaang dahilan ng mga respondents na kaya mas nakasasama ang POGO sa bansa ay dahil sa paglaganap ng bisyo na nasa 67%; pagtaas ng POGO-related crimes na kinasangkutan ng mga Chinese nationals na nasa 57%; tax evasion ng mga POGOs na nasa 43%; mas mataas na bilang ng mga employed na Chinese sa POGO na nasa 43%; walang dagdag na oportunidad na ibinibigay sa mga Pilipino na nasa 33%; at pagtaas ng halaga ng renta, residential o business properties na nasa 22%.

Ayon kay Gatchalian, mahalaga ang naturang resulta ng survey na kasama sa ikukonsidera sa magiging rekomendasyon ng ginawang imbestigasyon sa POGO lalo’t kumakatawan ang survey na ito sa sentimyento ng mga tao.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with