^

Police Metro

Bantag ‘di pa rin sumipot sa DOJ

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi pa rin nagpakita kahapon sa Department of Justice (DOJ) si suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag­ sa pagpapatuloy ng pagdinig sa kasong mur­der na inihain sa kaniya ka­­ugnay ng pagpaslang sa brodkaster na si Percy Lapid at inmate na si Jun Villamor.

Ang dumating ay ang abogado niyang si Rocky Balisong, na naghain ng isa pang ‘motion for reconsideration’ sa naunang ibinasura nilang petisyon na mag-inhibit sa kaso ang prosecution panel ng DOJ dahil sa kawalan umano ng hurisdiksyon.

Sa bago nilang katwiran, may murder case rin na inihain si Bantag laban naman kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa Office of the Ombudsman na siya umanong tunay na mastermind sa naganap na patayan at Ombudsman umano ang may higit na hurisdiksyon sa kaso.

Una nang inakusahan­ ni Bantag ng pagiging “biased” ang DOJ panel dahil sa mga naunang pahayag ni Remulla laban sa kaniya na itinanggi naman ng panel at iginiit na hindi nakikialam si Remulla sa kanilang mga desisyon.

Muling iginiit ni Re­mulla na may hurisdiksyon ang DOJ sa naturang kaso habang sinabi ni Roy Mabasa, kapatid ng pinaslang na si Percy, na nagkatoto ang hinala nila na maghahain na naman ng panibagong mosyon ang kampo ni Bantag at inaasahan na marami pang mosyon.

Itinakda ng DOJ panel ang susunod na pagdinig sa Enero 31, para mabig­yan ang isa pang complai­nant, ang kapatid ni Villa­mor, na mapag-aralan ang mosyon ni Bantag at magdesisyon kung maghahain ng komento ukol dito.

vuukle comment

BUCOR

DOJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with